Linggo, Mayo 5, 2013

Artista for Hire


         Yep, masyado nang cliche' ang mga tauhang iyan. Pero iyan pa rin ang papatok at hindi pagsasawaan ng mga tao. Isa na ako sa mga hindi magsasawa riyan dahil sa pamamagitan ng mga karaniwang tauhan na ito ay masisigurado kong happy ending ang palabas. Sino ba naman kasi ang gustong manood ng palabas na susubaybayan mo ng ilang buwan at mauuwi lang sa masaklap na katapusan, hindi ba?

Biyernes, Mayo 3, 2013

Wanted: Super Hero


                Ilang dekada na rin ang nakalipas nang inilabas ang mga unang kopya ng komiks. Kasabay ng pagsikat ng mga ito ay ang pagsasabuhay ng mga super heros na kilala natin ngayon katulad nina Darna. Pero ngayon ay hindi na rin gaano ka patok ang mga super heros na ito sa Pinoy komiks: halos lahat na kasi ng mga inilalathalang komiks na pumapatok ay puro pagpapatawa na lamang katulad na lamang ng Pugad Baboy na mayroon nang 26 na compilation books.
                Pero kinakailangan pa ba natin ng super hero ngayon? Sa dami ng krimeng nangyayari sa ating bansa ay hindi na rin siguro realistiko kahit na sa mundo pa ito ng komiks kung masusugpo pa ng mga super heroes ang lahat ng kidnaper at holdaper sa buong Pilipinas kahit na magtrabaho pa sila ng 24/7. Kawawa naman sila kung ganoon.
                Dahil hindi naman na epektibo ang mga usual na super heroes sa henerasyong ito, nag-isip na lamang ako ng bagong bersiyon ng ibang super heros na maaaring pumatok (o appropriate sa generation na ‘to) at magligtas sa atin hindi laban sa krimen kung hindi sa  mga problemang hindi gaanong ka halata sa mata ng maraming Pilipino.

Nerd na Captain Barbell bilang inspirasyon ng mag-aaral para magtapos at pagbutihin ang pag-aaral

 Techie Darna para tumulong sa mga oldies but still goodies para matutunan nila kung paano gamitin ang makabagong teknolohiya. 


Super Inday 2.0 para panatilihing malinis ang kapaligiran at iligtas ang mga mamamayan sa mga sakit na dulot ng polusyon. 


            Kahit na masyado nang outdated na ang mga supepr heroes sa panahong ito, hindi naman siguro masama kung umasa akong may mga nilalang pang magliligtas sa mga Pilipino mula sa kani-kanilang simpleng problema sa pang-araw-araw kahit na sa mundo lamang ito ng komiks, 'di ba? :)


sources: