Ilang dekada na rin ang nakalipas nang inilabas ang mga unang kopya ng komiks. Kasabay ng pagsikat ng mga ito ay ang pagsasabuhay ng mga super heros
na kilala natin ngayon katulad nina Darna. Pero ngayon ay hindi na rin gaano ka
patok ang mga super heros na ito sa Pinoy komiks: halos lahat na kasi ng mga
inilalathalang komiks na pumapatok ay puro pagpapatawa na lamang katulad na
lamang ng Pugad Baboy na mayroon nang 26 na compilation books.
Pero
kinakailangan pa ba natin ng super hero ngayon? Sa dami ng krimeng nangyayari sa
ating bansa ay hindi na rin siguro realistiko kahit na sa mundo pa ito ng
komiks kung masusugpo pa ng mga super heroes ang lahat ng kidnaper at holdaper
sa buong Pilipinas kahit na magtrabaho pa sila ng 24/7. Kawawa naman sila kung
ganoon.
Dahil
hindi naman na epektibo ang mga usual na super heroes sa henerasyong ito,
nag-isip na lamang ako ng bagong bersiyon ng ibang super heros na maaaring pumatok (o appropriate sa generation
na ‘to) at magligtas sa atin hindi laban sa krimen kung hindi sa mga problemang hindi gaanong ka halata sa
mata ng maraming Pilipino.
Nerd na Captain Barbell bilang inspirasyon ng mag-aaral para magtapos at pagbutihin ang pag-aaral
Techie Darna para tumulong sa mga oldies but still goodies para matutunan nila kung paano gamitin ang makabagong teknolohiya.
Super Inday 2.0 para panatilihing malinis ang kapaligiran at iligtas ang mga mamamayan sa mga sakit na dulot ng polusyon.
Kahit na masyado nang outdated na ang mga supepr heroes sa panahong ito, hindi naman siguro masama kung umasa akong may mga nilalang pang magliligtas sa mga Pilipino mula sa kani-kanilang simpleng problema sa pang-araw-araw kahit na sa mundo lamang ito ng komiks, 'di ba? :)
sources:
Salamata po saiyo😌
TumugonBurahin